Break at hindi dapat INSET ang dapat sa Sem-Break: TDC

0
345

Teachers Dignity Coalition [TDC] states, saying “Break at hindi dapat INSET ang dapat sa Sem-Break” continue reading below to know more.

HINDI DAPAT SA SEM-BREAK ANG INSET

Sa totoo lang, counter-productive ang INSET tuwing semestral break. Panahon kasi ito ng napakaraming trabaho ng teacher, hatian kasi ng school year (test results, grades etc). Tapos ng linggong ito ay vacation mode naman dahil ang panahon ng Undas sa Pilipinas ay minimum na tatlong araw. Kaya sa halip na makakagawa pa ng mas mahalagang mga bagay o makapagpapahinga ang mga guro, naoobliga silang pumasok ng otso oras sa buong linggong ito para maupo at makinig sa mga paksa na dati na nilang alam.

Kung ako ang tatanungin, ibigay din ang semestral break sa mga guro, dahil hindi lang naman mga bata ang deserving sa pahinga at family time.

Kung seryoso sa education at training para sa mga guro, puwede itong gawin anumang araw sa buong taon. Sa ibang division nga ay may INSET din pag Mayo. Established na rin naman ang LAC (Learning Action Cell) sa buong DepEd system kaya hindi tayo mauubusan ng speaker, topic at oras.

Sana next year ay hindi na ganito na sa DepEd.

Gayunman, dahil may INSET, ang payo natin sa mga Kaguro at principal ay i-maximize ito. Gamitin bilang venue sa pagbibigay ng wastong impormasyon sa mga guro. Importante ito para sa pagpapalakas ng ating mga laban para sa karapatan at Dignidad ng mga guro. Talakayin natin ang mga paksa gaya ng umento sa sahod, Magna Carta for Teachers, administrative rules, GSIS policies, teachers’ cooperative, public sector unionism, updates sa ating mga laban sa kasalukuyan at iba pa.

Pero sige, sa mga kapatid na guro sa Baesa HS, Morning Breeze ES, Sta. Quiteria ES, Caloocan HS at A. Mabini ES ng Caloocan; Canumay West NHS, Viente Reales NHS at Malanday NHS ng Valenzuela City; Upper Bicutan ES at Simplicio Manalo NHS ng Taguig-Pateros; at Marikina ES ng Marikina (siyempre), magkita-kita po tayo sa inyong INSET.

Inaayos pa ang schedule sa mga sumusunod:
Toro Hills ES, Project 6 ES at Fernando Amorsolo SHS ng Quezon City; at Signal Village NHS ng Taguig-Pateros. Paumanhin sa San Bartolome NHS, Quezon City at talagang hindi na kakayanin.

SOURCE: TDC

Disclaimer: This post is created for information, education and dissemination purposes only, NO copyright infringement intended, for more questions and inquiries contact us at [email protected]

MORE FREE TEACHING MATERIALS YOU MAY WANT TO DOWNLOAD:

 

Loading...