Tax exemption sa public school teachers isinulong – Senate Bill 241

0
760

Tax exemption sa public school teachers isinulong, Isinusulong ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ma-exempt sa pagbabayad ng income tax ang mga guro sa mga public elementary at high school.

Sa kaniyang Senate Bill 241, wala nang income tax na babayaran ang mga guro na nasa levels 1, 2, 3, o yaong hindi pa umaabot sa P26,000 ang buwanang sahod.

Hindi na rin dapat umanong buwisan ang kanilang holiday pay, hazard pay at night differential pay.

Ayon kay Sotto, ang income tax exemption ay pagkilala at pagsukli sa paghihirap ng mga guro.

Ang Senate Bill 241 ay bukod pa sa panukala ni Sotto at iba pang mga senador na bigyan ang mga guro ng dagdag-sahod.

Disclaimer: This post is created for information, education and dissemination purposes only, NO copyright infringement intended, for more questions and inquiries contact us at contact@depedlps.club

MORE FREE TEACHING MATERIALS YOU MAY WANT TO DOWNLOAD:

Loading...

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here