Teachers will receive 10K Service Recognition Incentive not earlier than Dec. 20

0
42755

Check this out! Government Employees may receive 10K Service Recognition Incentive ngayong Disyembre 20, if this will come true hopefully.

UPDATE: Its now Official DepEd will implement and process payment of Service Recognition Incentive (SRI) for qualified recipients (teaching, teaching-related and non-teaching personnel) not earlier than Dec 20, 2019, per Administrative Order No. 19, series of 2019. Confirmed by DepEd Usec. Sevilla.

UPDATE: As per our Source, its CONFIRMED and Teachers will receive 7k as Service Recognition Incentive from Government, and its up to each Division to add 3k if there is enough Budget. Merry Christmas Teachers!

Hinihintay natin ang opisyal na announcement tungkol sa kumakalat na kopya ng Administrative Order No. 19 na pinirmahan umano ni Exec Secretary Medialdia kahapon, Disyembre 2.

Kung totoo ito, magandang balita ito para sa government employees sa padating na Kapaskuhan. Matutuwa laluna ang kaguruan dahil hanggang ngayon ay wala pa ang PBB 2018 at di tulad ng ibang ahensya, wala halos mapalang CNA incentive ang mga guro dahil halos walang matipid sa kakarampot na MOOE. Itinuturing na din nating bahagi at produkto ito ng ating buong-taon pag-iingay para sa makabuluhang dagdag sweldo. Dahil alam naman natin, kung hindi tayo nangangalampag, hindi tayo pinakikinggan.

Sa kabilang banda, dapat maging mapanuri pa rin. Nasa 20 bilyon ang gagastusin sa 10k SRI para sa may 2 milyong kawaning sibilyan at uniformed. Ipinapakita nitong marami pa talagang pera ang gobyerno. Malaking bagay kung idinagdag sana ito sa budget para sa salary increase. Sa gayon, buwan-buwan sana nating mapapakinabangan ito, mababdyetan bawat taon, at kasama din hanggang sa computation sa ating retirement.

Mas pinili ng gobyernong Duterte na mag-ala Santa Claus para sa mas malakas na political impact ng ipamumudmod na pera, laluna na ngayong kabi-kabila ang batikos sa kanyang pamamahala. Bantayan nating mabuti na ang 10K SRI ay hindi maging matamis na balot lamang para sa mapait at barat sa salary increase na ipalulunok sa atin sa mga susunod na taon.

SOURCE:

Disclaimer: This post is created for information, education and dissemination purposes only, NO copyright infringement intended, for more questions and inquiries contact us at [email protected]

MORE FREE TEACHING MATERIALS YOU MAY WANT TO DOWNLOAD:

Loading...