UTANG SA GSIS NG MGA MAGRERETIRONG GURO PATAWARIN NA – REP. SALO

0
7

Inihain ni KABAYAN Party-list Congressman Ron Salo ang House Resolution 1508 na layuning himukin ang Government Service Insurance System (GSIS) na patawarin na ang natitirang utang ng mga kareretiro palang at mga magreretirong guro. Layunin din ng resolusyon na patawarin pati na ang loan penalties ng lahat ng pampublikong guro.

“Certainly, the waived penalties may be miniscule in amounts, but this will certainly hasten the payment by our public-school teachers of their loans, and will go a long way in alleviating the financial burden that they are currently facing,” sabi ni Salo sa isang pahayag.

Sa HR 1508 ni Salo, ipinawagan niya sa GSIS na magpatupad ng tinatawag na “debt forgiveness or condonation” para sa mga kareretiro palang at mga magreretirong guro mula 2017 hanggang 2022 kabilang na ang mga guro na namatay bago ang takdang petsa ng kanilang pagreretiro para naman mapakinabangan ng kanilang pamilya ang pension mula sa GSIS.

Nakasaad din sa resolusyon ni Salo ang panawagan sa DepEd at Department of Finance na magsagawa ng malawakang financial literacy training para maturuan ang mga guro ng tamang paggasta at pananalapi na makakatulong sa kanila para mapabuti ang kanilang pamumuhay.

Matatandaan na naglabas na ng kautusan ang Department of Education (DepEd Order No. 38) nitong Hulyo 31, 2017 na nagpapahintulot sa GSIS at Pag-IBIG Fund na bawasan ang sahod ng mga guro nang walang “cap” na naging sanhi kung bakit maraming guro ang nakatanggap ng take-home pay na mas mababa sa P4,000.

“However, the DepEd order was questioned by this representation as well as by some teacher groups, and this led to the issuance of DepEd Order No. 55 (dated October 26, 2017). The new DepEd order will prioritize deductions from GSIS and Pag-IBIG Fund loans without affecting teachers’ mandated net take home pay,” giit ni Salo na isa sa mga lider ng Kamara bilang Assistant Majority Leader.

Ayon sa batas (Section 47, General Appropriations Act of 2017) ang mga kawani ng gobyerno ay dapat may minimum take-home pay na P4,000.

Pinunto ni Salo na ang kabuuang utang ng mga guro na aabot sa ng humigit-kumulang P19,000 ay di pa rin sapat dahil sa mga di inaasahang mga pangyayari at pagtaas ng mga bilihin.

“Our teachers are saddled by extensive deductions for contributions and obligations as they are forced to fall victim and borrow money from lenders that entrap them in a vicious cycle of indebtedness,” ani Salo.

Ayon sa tala ng DepEd, umaabot sa P178 bilyon ang utang mga public school teacher sa mga pribadong lending companies. Sa GSIS naman, aabot ang utang ng mga guro sa P123 bilyon.

Sa tala rin ng DepEd, aabot sa humigit-kumulang 23,000 na teacher-retirees ang di nakatanggap ng pension ngayong taon sanhi ng di nabayarang utang.

SOURCE

Loading...